Agong House: Pasyalan Ng Mga Turista
Ang magagandang tanawin sa kapata

Alam mo bang sa lungsod ng Davao del Sur matatagpuan ang isang magandang tanawin na ginagawang pasyalan ng mga turista na kung tawagin ay Agong House?
Ang Agong House ay isang pasyalan na matatagpuan sa Kapatagan Digos, Davao del Sur. Kung saan makakakita ka ng magagandang tanawin at dito mo rin malalanghap ang sariwang hangin at may malamig pa itong klima.
Dito matatanaw ang ginawa nilang tatlong salita na nagsasabing "LAND OF PEACE" at kahit nasa malayo ka matatanaw mo ito kasabay sa mga mapuputing kalapating gawa sa bato.May mga paliguan din sila para sa matatanda at bata. Ang Agong House ay maihahalintulad mo ito sa Baguio City dahil maliban sa malamig na ang klima at umaambon pa.Matatagpuan mo dito ang mga magagandang bulaklak at matataas na "Pine Tree" na makikita mo sa Baguio City.Meron din silang magagandang mga rebulto na gawa sa bato na naka tayo doon.
Hindi masasayang ang pera,pagod at oras mo sa pagpunta sa lugar na ito dahil maliban sa magagandang lugar na taglay nito makapagbibigay din ito ng kapayapaan at kaginhawaan ng iyong kalooban.

